Wednesday, February 13, 2008


Inbox

Isang araw, may natanggap akong text message mula sa aking kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa message na ito, pero maraming buhay at pananaw ang biglang nabago.


Sabi niya:

“Pwedeng lahat ng taong darating sa yo marunong umunawa, magpahalaga, at matututunan kang mahalin. Sa mga yon, piliin mo yung di marunong magsawa, kasi lahat marunong magmahal, pero di lahat nagtatagal”



Naisipan kong ipasa ang message sa iba ko pang mga kaibigan. Para gaya ko, mapaisip din sila. At hindi ako nabigo. Halos lahat ng pinadalhan ko, nag react. May ibang nakuha pang magpatawa, pero ramdam mo sa mga “hahaha” yung pag sang ayon sa kanilang nabasa. Karamihan naman, biglang nalungkot. Siguro kasi may naalala. Valentines na bukas e.


Paulit ulit kong binasa yung message, pinagtalunan pa namin ng mga kasama ko sa opisina. Wala namang mali sa aming nabasa, sa totoo lang, lahat ng nabanggit, tama. Masakit kung iisipin, pero sa huli, alam mong tama.


Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Sa bilis ng ikot ng mundo, madaming nababago na hindi natin namamalayan. Tuloy, sa pilit nating pagsabay sa mga pagbabago, mabilis din tayong magsawa sa mga bagay na nakasanayan natin. Laging may mas bago. Mas maganda. Mas magaling.


Ibig ba sabihin nito wala na talagang magtatagal?



Sunday, February 03, 2008


Rumor Has It


“It's funny. You work so hard, you do everything you can, to get away from a place and when you finally get your chance to leave, you find a reason to stay”.

A friend of mine once sent me this exact phrase. Which I can very well relate to. Kasi pinagdaanan ko yan. I can very well recall how my friend would make-face everytime I’ll tell him that I want to leave my present job and work elsewhere. Well, I can’t blame him for doing that. I’ve been telling him this since the time he conceptualized his own bar. Nagawa na yung bar, nag opening, nag anniversary and at malapit nang mag second year anniversary, yet hindi pa rin ako nakakalipat. Hahaha.

I was often reminded of how I come up with all the obscure reasons why I shouldn’t take the job offer(s) I had back then. Kasi mlayo ang office, masikip ang space ng office, pangit ang building, maliit ang elevator (claustrophobic ako e!), walang opportunity for growth, matatanda na ang mga kasama sa work, masungit yung boss, maliit ang sweldo, wala juice at coffee sa pantry or wala talagang pantry at all. I can come with millions of other reasons why I shouldn’t go. Naging talent ko na ata yon.

Rumor has it that somebody’s leaving the company soon. And in the spirit of honesty, I want to say Yes, that somebody is me. This time the rumor is actually correct – the first four ones are totally hoax. =) It came as a surprise for most people as we announced my impending departure from the airline industry. I thought it would just be easy, but as soon as my manager finished her sentence, emotions run wild. All of a sudden, I just couldn’t bear to look at them in the eyes and say be happy. Yes, for the past two weeks that I kept my resignation to few key people, I thought I made the right decision and I was happy. But seeing those faces frown (some even cried), I couldn’t help but wonder, if I actually made the right choice. All I know is that it felt good at that time and everything seemed to have fallen into place. Now, ewan ko na.

I am down to my last two final weeks in the office. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-expect. I am as lost as Britney right now. Sa sobrang mixed emotions, hindi ko na ma-identify kung malungkot ba ako or masaya. Baka both. I maybe able to tell you that in the coming days, but for now, I just want to set the record straight – even if I myself am not (haha!) – Totoo ang chismis!



p.s.

I'll see you all in London.. Aaarrrgghhh tama, sa London. Hahaha.


Masaya


Masaya ang araw na ‘to!

Nagising ako sa sikat ng araw, maaga.
Masyadong maaga para sa nakasanayan ko.
Sa pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto,
Binati ako ng mga taong nakangiti
Hindi ko alam kung bakit
Pero nararamdaman ko masaya sila
Ako rin, nagsimula nang sumaya.


Makalipas ang ilang oras

Umalis na ako.
Nagkita kami ng aking mga kaibigan
Kwentuhan. Nanlait. Ngumiti at Tumawa.
Tumawa ng mas malakas. Paulit ulit.


Nagsimba kami. Tama. Nagsimba.
Sabi ng pari, ang kaligayahan daw
Hindi nahahanap (at di dapat hinahanap) sa panlabas
Sa mga bagay, sa ibang tao, or sa trabahong hinihintay.
Masaya ako ngayong araw, pero tinamaan ako.
Tinamaan kami.
Habang magkakahawak na kumakanta ng “Our Father”.
Napaisip ako bigla, bakit ba? masaya kami!


Kinagabihan, dumating din siya.
Ang isang taong kahapon ko pa gusto makasama.
Masaya ako sa araw na to.
Kasi sa wakas, makakasama ko siya ulit.
Makakausap.
Matatanong.
Makukulit.


Masaya ako sa araw na to. Masayang masaya.
Pero pag uwi ko ng bahay.
Ako na lang mag-isa.
Parang nawala lahat.
Tinanong ko ang sarili ko
Masaya na nga ba talaga ako?
Bigla akong nalungkot.
Hindi ko alam kung bakit.

Naisip ko baka ito ay dala ng pagod –
Pero hindi ako pagod.
Naisip ko si Father.
Baka nga tama siya
Masaya ang araw na ‘to.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot.
Siguro dahil sa sinabi sa misa.
Siguro dahil nakapanuod ako ng Hamlet.
Siguro dahil mag-isa na lang ako.
Siguro dahil marami akong naiisip,
Mga bagay na gustong gawin, isulat, sabihin
Pero hanggang ngayon
hindi ko alam kung pano sisimulan.

O, Siguro dahil malungkot talaga ako.
Hindi ko lang alam.