Thursday, August 28, 2008

For the First Time


No... no.. hindi ito promo ng movie ni KC and Richard na showing na ngayon... Hahahahaha.


For the first time… Nag day off kami sa may UP.. To let Amina do her favorite thing to do… Ang magtatakbo at magpahabol ng bonggang bongga…




For the first time… I tried to unleash the photographer in me.. keyword – Tried. Kaso puro blurry ang images.. Di naman ako pasmado.. Shet…



For the first time… eto… hindi niyo kakayanin… kumapit kayong maigi….


Dallliiii.. Ready na? Hahaha.


Nagpa-picture sila sa akin… Este, cge na nga, nagpa-picture ako kasama nila.


What’s the deal?


With me in the black tote is the cute baby formerly known as Kim Chiu – but now more popularly known as Bellarmina aka Amina. Syempre, when we saw the real Kim Chiu sa mall, hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na makuhanan sila ng picture together. Too bad, the real Kim Chiu is actually afraid of dogs – hence, kasama ako. Hahahaha.



p.s.

First time kong magpa-picture na may kasamang artista. Kim and Gerald should be really proud. Dapat i-add nila ako sa Friendster/Facebook at Multiply. Hahahaha.

Sunday, August 24, 2008

Crazy Lil Thing Called LOVE

Lately, I’ve been exposed to the many facets of this thing called love. Madami akong mga kaibigan na iba iba ang istorya. Kanya kanya ng hinga ng mga hinanakit at problema tungkol sa pag-ibig. Iba ibang kwento, pero in the end, iisa lang naman ang puno’t dulo – Love.

May iba, patuloy na naghihintay. Kung kailan darating. Kung paano at kung saan. May iba naman na nakita na, but somehow, ended it tapos hindi maka-move on. Feeling nila, it was a wrong decision – pero gaya ng chess, minsan sa buhay, touch-move ang laro. May iba namang nagmamahal, at patuloy na nagmamahal kahit na alam nilang may ibang mahal yung taong minahamal nila and yet, they just can’t give up – they just won’t let go. And there are those who kept on loving, kahit na nasasaktan na sila. Kahit na hindi na dapat. Kahit hindi na tama.

This has got me thinking, di ba, Love is supposed to be a great feeling? It is supposed to bring you happiness. Fireworks. Something magical. Something that will make every thing in this world seem extraordinary. Something that will make the impossible, simply possible. Pero bakit ganon? Parang sa tinatakbo ng mga pangyayari, Love has become more of a liability than an asset. It has become a problem for many who’ve experienced it – if I may borrow the line of Rajo Laurel, isa lang masasabi ko, “nakakataquot”.

But still, I’d like to believe that everything happens for a reason. Which for now, maybe very vague and quite unreasonable minsan. We don’t really lose the one we love naman as in nawala talaga. Think of it as if we’re just passing him on to someone who’ll better take care of him. In the same way that he is passing us on to somebody who’ll love us better. Parang ang weird ng idea ko, pero malay niyo mag work. Bottomline, sana we will never lose hope and faith in Love. Because I believe, that this is the very essence of our creation. (Ayan pao – may sagot na ako sa essence of life). Love is the force that brings us back together, in order to condense the experience dispersed in many lives and many parts of the world, sabi ni Coelho. Ganda di ba?

So continue to believe. Continue loving. Kasi it is such a wonderful thing. For in the end, kahit gaano ka pa nasaktan. Kahit gaano ka pa nagpakatanga. Kahit gaano pa kasama ang naging bagsak mo. Love will still be the only thing that will cover up all those pain and it will still be the only thing that will make you feel better again. Tandaan mo, God only makes happy endings. It it is not happy, then maybe it is not yet the end.

“May we all find/experience a love soooooooo intense that it will justify the rest of our days”


Happily hoping,
Vince =)

Saturday, August 23, 2008

Second Childhood


Nuong bata ako, pangarap kong maging isa cashier sa grocery. Hindi tulad ng mga kalaro ko, hindi ko ginustong maging Doctor, Engineer, o kahit Guro. Gusto ko talagang maging cashier, ng isang malaking grocery na katulad ng Ever. Akala ko kasi nuon, ganun lang kadali ang buhay, ilang pindot lang sa kaha, lalabas na ang pera.


Habang lumalaki ako, nare-realize ko na mali ako. Hindi pala madali ang buhay. Tulad ng pag-aakala kong madali ang maging cashier. Kaya hinanap ko ang sagot kung pano magiging madali ang lahat. Sinubukan ko ang lahat ng bagay na pwedeng subukan, sinalihan lahat ng pwedeng salihan. Nagbenta ng kung anu ano, naging athlete – track and field, volleyball – nag-choir, nag-member ng dance group, pati pag-b-boy scout sinubukan ko. Hanggang sa mapagod ako. Sa puntong ito, pinilit kong mag-aral na lang ng mabuti, sabi kasi ng mga matatanda, oras na makatapos ka ng pag-aaral, magiging madali ang pag asenso mo. Kaya kinuha ko ang kursong pinaka-unang pumasok sa isip ko, ang goal ko lang naman ay makatapos. Kahit na ano. Basta lang makatapos.


Ngayon, ilang taon na ang nakalipas mula nang umakyat ako sa stage para tumanggap ng diploma. Napapaisip ako, tama nga ba yung mga naging desisyon ko? Tama ba sila sa pagsasabing ang mga nakatapos ay madaling aasenso? Gusto kong isipin na tama. Pero alam ko sa sarili ko, parang hindi.


Ngayon, sa napakainit na panahong ito sa loob ng aking kwarto, napapaisip ako. Kung babalik ako sa pagkabata, may mga bagay ba akong babaguhin? Hmmm, madami. Alam kong hindi ako magiging ganito kung hindi ko napagdaanan yung mga bagay na naranasan ko. Pero hindi ako magiging ipokrito at sasabihing given the chance, uulitin ko ulit lahat. Kasi alam niyo naman, ayokong maging redundant. Hehe. Hindi naman sa nagsisisi ako sa mga naging desisyon ko. Pero kung bibigyan ng pagkakataon, may mga ilang bagay akong gustong baguhin. Kung pwede lang naman…


Kung babalik ako sa pagkabata at tatanungin ako kung ano ang gusto kong maging paglaki ko? Hindi ko na sasabihing cashier sa grocery. Gusto ko nang maging may-ari ng grocery na madaming empleyadong cashier at may madaming madaming madaming branches sa buong bansa. Para makatulong ako sa pag-unlad ng Pilipinas. Hahaha.


Kung babalik ako sa pagkabata, sana mas sineryoso ko kahit isa man lang sa mga sports na sinalihan ko. Baka naging part pa ako ng Philippine Team at kasali ako ngayon sa olympics. Hahaha.


Kung babalik ako sa pagkabata, sana hindi ko tinigil ang pagkanta at pagsali sa choir. Baka naging magaling na singer ako at ginusto rin ako ng kanta. Di tulad ngayon na parang pati adlib ayaw na sa akin.


Kung babalik ako sa pagkabata at pipili ng course sa college, baka mas pipiliin ko ang mga kursong may definite na pupuntahan. Medicine para maging doctor. Nursing para maging Nurse. Education para maging Teacher. Baka mas naging madali ang pagtukoy sa kinabukasan na kakaharapin ko. Kung anong field ang dapat kong pasukin at magiging fulfilling.


Hindi pa naman huli ang lahat. Pero masyado na ata akong matanda para magsimula ulit. Dahil kasabay ng pagkamulat ko sa kasalukyan ay ang mga responsibilidad na hindi ko pwedeng takbuhan kahit pa gamitan ko ng training ko nuon sa track and field. Pero kung babalik ako sa pagkabata, at makikita ko ang sarili ko ngayon, masasabi kong hindi naman naging masama ang kinalagyan ko. Baka sa kabila ng haba ng blog na ito, umaarte lang talaga ako. Hehehe.


Hay life. Nag-s-second childhood na ata ako. Kayo, kung babalik kayo sa pagkabata ngayon, ano ang gusto niyo maging paglaki niyo?




Somewhere Over The Rainbow - Connie Talbot

Sunday, August 03, 2008

What is LOVE?


I had some time to kill before I start my regular Sunday routine and decided to check on my favorite site youtube.com and found this...

Man, if this is not LOVE, ewan ko na lang. Ewan ko na lang talaga!!!!


Watch and be amazed....





Kulang na lang si Charice Pempengco ang kumanta nung song and we're all set! Hahahaha.


I'm soooooooooooooo touched I want a pet lion din!!!!! Nakakaiyak shet!