Thursday, June 23, 2011

Deydicashun


Dude.... Last night, I just had another awesome time with you. 

Hindi ako maka-get over sa dun sa dance stepping machine thing that we did.  Kung ano man ang tawag don.  It was fun and I know, I was funny!! Nagpipigil ka lang sa pagtawa.  Took a while before I was finally able to make a 'perfect' combo.  Jejeje.

Pero mas nag-marka yung mga kinanta mo para sa akin.  I wish I had all my healthy brain cells to think of a good song to sing to you then, pero I was a little under the weather.  At kung alam ko lang na may kantahan, sana hindi rin ako masyadong uminom ng malamig na lemonade (Ahem, excuses! Ahem!).  Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, eto talaga ang gusto kong kantahin for you. hihi


"All the lovers, that have gone before, they don't compare to you...."


And yes, I already asked Lola Kylie to sing this song on my behalf for you.  She'll be here daw next week, mejo busy lang siya nowadays - madaming children's party sa America, so maghanda ka na!!!


I heart you pre (*tsup*),

Sunday, June 19, 2011

Gamble

Ang pag-ibig talaga parang sugal. Lahat ng tao pwedeng sumubok.  Lahat pwedeng tumaya. At patuloy na tataya, kahit alam mong mas madami ang natatalo kesa sa mga nananalo.


Ang importante lang naman, sa bawat pagtaya, dapat buo ang loob mo. 

Kasi oo, kahit pa madalas talo.  Minsan, tumatama ka rin naman.  Masaya ka na kahit balik-puhunan lang yung nakuha mo.  Pero minsan din naman, pwede ka ring manalo ng jackpot - at madalas nangyayari ito sa di inaasahang panahon at pagkakataon, kung kailan naiisip mo nang sumuko.

Nakaka-adik ang sugal!! Kaya dapat alam mo rin kung kailan ka titigil.  Kasi may mga taong nanalo na at lahat, patuloy pa rin sa pagtaya.  Sigurado na sa napanalunan, isusugal pa ulit!! Panalo na sana, natatalo pa.  


Wag maging gahaman,



Friday, June 17, 2011

Day Off

I feel like I want need some time off.  

Away from all the hustle and bustle of this so called life. 

There are about 365 freakin' days in a year, hindi naman siguro masama if I take a day off.





A day with no work to occupy my first eight waking hours.
A day where I don't have a family to think and take care of.
A day without friends to listen to, counsel or scold.
A day without annoying acquaintances trying to get your attention.
A day minus the news - be it good or bad.
A day without anyone or anything to consider.
A day of no judgement.  No fear. No plans.
A day of nothingness.
A day.
Isang araw lang naman.



Buti na lang malapit na ang weekend. Naaamoy ko na! Shet.


Pagoda Cold Wave Lotion Tragedy,


Wednesday, June 15, 2011

The Comeback


When I first heard the song, it felt like there's a huge rainbow on the horizon!!!

Well done Coldplay!!! 

Once again, you rocked my world!!!
(in a somehow pop kinda way)





Just raped the repeat button,